Ang trading sa araw ay ang pagbili at pagbebenta ng mga pinansyal na panagot sa loob ng mismong araw o maging maraming beses sa loob ng araw upang kumita mula sa mga mabilis na pagpapaiba-iba sa mga presyo. Maaari kayong kumita sa trading sa araw kung gagawin ito nang tama. Gayon pa man, mapanganib ito para sa mga baguhan kung hindi sila gagamit ng tamang estratehiya. Sa artikulong ito, titingnan natin ang 10 tip sa trading sa araw para sa mga baguhan.
1. Dagdagan ang kaalaman
Kailanman ay hindi tumitigil sa pagtuto ang isang matagumpay na trader. Maliban sa kaalaman tungkol sa mga pamamaraan ng trading sa araw, mahalaga para sa mga trader sa araw na manatiling napapanahon sa mga pinakabagong balita sa pamilihan ng forex at subaybayan kung ano ang nangyayari sa mga pamilihan. Ang mga indibidwal na nagsisimula sa trading sa araw nang walang pag-unawa ng mga pinakamahalagang ideya ng pamilihan ay madalas na nalulugi.
2. Maglaan ng oras
Ang trading sa araw ay nangangailangan ng inyong oras at pansin. Dapat ninyong ilaan ang karamihan ng araw ninyo, upang masubaybayan ninyo ang mga pamilihan ng forex at makita ang mga pagkakataong maaaring lumitaw sa anumang oras sa loob ng isang espesipikong araw ng trading. Huwag isaalang-alang ang trading sa araw kung limitado ang oras ninyo.
3. Gumamit ng teknikal na pag-aanalisa
Ang teknikal na pag-aanalisa ay isa sa mga pinakamabisang estratehiya para gumawa ng mga tumpak na hula tungkols a presyo. Ito ay dahil magagamit ninyo ang makasaysayang pagpepresyo upang tantiyahin kung paano gagalaw ang mga presyo ng forex sa mga susunod na oras sa loob ng araw ng trading. Mahalaga ang pagsasaoras dahil kailangan kayong bumili kapag mababa ang presyo at magbenta kapag mataas ang presyo sa loob ng mismong araw. Mahalaga ang bawat segundo at dapat tumpak ang bawat aksiyon sa trading sa araw.
4. Pamahalaan ang panganib
Bilang isang baguhang beginner trader, mahalagang gumawa ng isang plano sa pamamahala sa panganib. Makakatulong ito sa inyo na mag-trade lamang gamit ang pera na makakaya ninyong mawala sa inyo. Isang paraan kung paano pamahalaan ang panganib ay pagtatakda ng stop loss para sa bawat trade. Baguhan man kayo o isang bihasang trader, palaging tiyaking magtakda ng stop loss na order. Ang stop loss ay isang order na isinasara ang isang posisyon sa pamamagitan ng pagbili o pagbebenta ng isang asset kapag naabot nito ang isang tiyak na presyo.
5. Pagpasiyahan kung gaano karaming kapital ang gusto ninyong ipuhunan
Suriin at ilaan ang halagang handa kayong ipagsapalaran sa bawat trade. Ipinagsasapalaran ng mga bihasang trader ang mas mababa sa 1-2% ng kanilang mga pondo sa bawat trade. Tandaan na ang isa sa mga prinsipyo ng matagumpay na trading ay huwag ninyong ipagsapalaran ang higit sa makakaya ninyong mawala sa inyo. Kung wala kayong sapat na kapital para magsimulang mag-trade, magbukas ng isang demo account at magpraktis na mag-trade gamit ang birtuwal na pera.. If you don’t have enough capital to start trading, open a demo account and practise trading with virtual money.
6. Magsimula nang maliit
Bilang isang baguhan, ituon ninyo ang inyong pansin sa malilit na bulumen ng trading ng inyong napiling pinansyal na asset. Bagaman at maaari kayong makinabang nang malaki sa maliit na pagbabago ng presyo kapag nagte-trade kayo ng mataas na bulumen, mas mainam na magsimula sa isang mas maliit na bulumen hanggang maging bihasang trader na kayo.
7. Kontrolin ninyo ang inyong mga damdamin
Bilang isang trader, huwag ninyong hayaang kontrolin ng kasakiman, pag-asa at takot ang inyong mga damdamin. Madaling maging emosyonal at mag-react nang hindi makatuwiran sa maganda o masamang balita sa pamilihan, ngunit maaaring humantong ito sa paggawa ng mga maling desisyon sa trading. Bago kayo pumasok sa isang trade, dapat niyong palaging suriin kung emosyonal at sikolohikong handa kayong mag-trade sa pamilihan. May mahalagang tungkulin na ginagampanan ang estratehiya sa pamilihan, ngunit mas malaki ang tungkulin ng sikolohiya. Basta, tandaan lamang na ibase ang inyong mga desisyon sa lohika at hindi sa damdamin.
8. Tiyempuhin ang inyong mga trade
Marami sa mga order na pine-place ng mga trader ay isinasagawa sa sandaling magbukas ang mga pamilihan sa umaga, na nag-aambag sa pagbabagu-bago ng presyo. Kadalasang nakikilala ng mga bihasang trader ang mga kumikitang pattern sa oras na magbukas ang mga pamilihan. Ngunit ang mga baguhan ay dapat suriin muna ang pamilihan nang unang 15-20 minuto bago gumawa ng anumang mga desisyon.
9. Maging makatotohanan tungkol sa mga kita
Hindi dapat maging matagumpay lagi ang isang estratehiya para kumita. Maraming matagumpay na trader na kumikita lamang sa 50% hanggang 60% ng kanilang mga trade. Gayon pa man, mas malaki ang kita nila sa mga nananalong trade nila kaysa sa mga pagkalugi nila sa mga hindi matagumpay na trade.
10. Sundin ang inyong plano
Mahalagang mahigpit na sundin ang inyong plano sa trading kaysa humabol ng mga kita. Huwag ninyong hayaang kontrolin kayo ng inyong mga damdamin at ibalewala ang inyong estratehiya. Disiplinadong-disiplinado ang matatagumpay na trader. Pinaplano nila ang bawat isa sa kanilang trade, at pagkatapos ay tine-trade nila ang kanilang mga plano. Palaging sundin ang tuntuning ito: iplano ang inyong trade at i-trade ang inyong plano.
Mga panganib ng trading sa araw
May maraming panganib sa trading sa araw, at maraming baguhang trader na araw na hindi matagumpay. Dahil umaasa ang trading sa araw sa pagbabagu-bago ng pamilihan upang tumaas ang halaga ng isang asset, palaging may panganib na malugi ng pera. Narito ang ilang panganib:
Maging handa na magkaroon ng malalaking pinansyal na pagkalugi losses
Kadalasang nakakaranas ng seryosong pinansyal na pagkalugi ang mga trader ng araw sa kanilang unang buwan ng trading, at may marami na kailanman ay hindi kumikita.
Isang napaka nakaka-stress na full-time na trabaho ang trading sa araw
Ang panonood ng dose-dosenang quote ng ticker at pagpapaiba-iba ng presyo upang makakita ng mga biglaang kalakaran sa pamilihan ay nangangailangan ng malakas na konsentrasyon.
Lubos na umaasa sa leverage ang mga trader ng araw
Gumagamit ng leverage ang mga estratehiya sa trading sa araw upang kumita. Maraming mga trader ng araw ay hindi lamang nalulugi ng lahat ng kanilang sariling pera, ngunit ay nagkakautang pa.
Mag-trade ng forex kasama ang IronFX
Kung balak ninyong magsimula sa trading ng forex o gusto ninyong magpraktis ng trading, mag-sign up kasama ng isang nangungunang broker tulad ng IronFX at magbukas ng isang demo account upang makapag-trade gamit ng birtuwal na pera bago kayo magbukas ng isang tunay na trading account.
PAGTATATUWA: Ang impormasyong ito ay hindi itinuturing na payo sa pamumuhunan o isang rekomendasyon sa pamumuhunan, at sa halip ay komunikasyon sa marketing.