Paano Gumawa ng Isang Plano sa Trading

Table of contents

Malamang narinig na ninyo ang lumang kasabihan sa negosyo “kung nabigo kayong magplano, nagpaplano kayong mabigo”. Naaangkop din ito sa trading. Kung may nakasulat na plano sa trading na kayo, malamang na nasa minorya kayo dahil kailangan ng oras, pagsusumikap at pananaliksik upang bumuo ng isang diskarte na gagana sa mga pamilihang pinansyal.

Ang pagkakaroon ng isang plano sa trading ay napakahalaga upang makamit ang tagumpay sa trading dahil gagabayan nito ang inyong mga desisyon at titiyaking hindi kayo maliligaw sa inyong paglalakbay sa trading.

Ano ang isang plano sa trading?

Ang isang plano sa trading ay isang komprehensibong kagamitan sa paggawa ng desisyon na gagabay sa inyo sa pagpapasiya kung ano, kailan at gaano karami ang ite-trade. Ang isang plano sa trading ay dapat inyong sariling personal na plano dahil ang saloobin ng ibang tao sa panganib at available na kapital ay maaaring ibang-iba sa inyo.

Dapat laging isaalang-alang ng inyong plano sa trading ang mga sumusunod na salik:

  •   Ang inyong motibasyon para sa trading
  •   Gaano karaming oras ang mailalaan ninyo sa trading
  •   Ang inyong mga layunin sa trading
  •   Ang inyong toleransiya sa panganib
  •   Ang inyog available na kapital para sa trading
  •   Mga personal na tuntunin sa pamamahala sa panganib
  •   Ang mga pamilihang gusto ninyong i-trade
  •   Ang inyong mga estratehiya
  •   Mga hakbang para sa pagtatala

Bakit mahalaga ang isang plano sa trading?

Kapag may isang plano sa trading kayo, mas madadalian kayong tutukan ang inyong mga layunin sa trading at kaya gumawa ng mga lohikal na desisyon sa trading. Eksaktong sinasabi sa inyo ng plano kung ano ang dapat ninyong gawin, para manatiling disiplinado at hindi nagbabago habang mahigpit na binabawasan ang inyong mga pagkalugi.

Mas madaling mag-trade

Sa pagpaplano nang mas maaga, mas madali ang trading dahil makakapag-trade kayo ayon sa inyong mga paunang naitakdang parametro. Kung may magandang plano kayo, mas maganda ang inyong posisyon para malaman kung kailan kayo papasok o lalabas sa isang trade.

Gumawa ng mga mas lohikal na desisyon

Ang mga matagumpay na trader ay pinagkadalubhasaan ang sining ng paggawa ng mga desisyon batay sa lohika sa halip na mga damdamin. Pinahihintulutan ng isang naaangkop na plano sa trading ang mga higit na obhetibong paghusga, na nangangahulugan na maaari ninyong alisin ang mga damdamin sa proseso ng pagdedesisyon.

Hubugin ang disiplina sa trading

Ang isang plano sa trading ay makakatulong sa inyong hubugin ang inyong disiplina, na isa sa mga prinsipyo ng matagumpay na trading. Ang pagsunod sa isang plano sa trading ay pipigil sa inyong makipagsapalaran nang higit sa makakaya ninyo, at matututo rin kayo kung bakit matagumpay ang ilang trade at hindi ang iba.

Matuto mula sa mga nakaraang pagkakamali sa trading

Kabilang sa isang plano sa trading ang isang talaan ng inyong mga nakaraang aktibidad sa trading. Gamit ang impormasyong ito, maaari ninyong suriin at pagbutihin ang inyong pagganap sa pamamagitan ng pagkatuto mula sa mga nakaraang pagkakamali sa trading.

Paano gumawa ng isang magandang plano sa trading

Kabilang sa mahahalagang bahagi ng isang magandang plano sa trading ang sumusunod:

Motibasyon

Ang pagsasaalang-alang kung bakit ninyo gustong mag-trade, pati na rin kung ano ang inyong mga layunin, ay mahalaga sa oras na ginagawa ninyo ang inyong plano sa trading.

Paghahanda sa kaisipan

Ang isang mahalagang aspeto na kadalasang nakakaligtaan ay ang sikolohiya at kahandaan ng kaisipan. Dapat ninyong palaging suriin kung emosyonal at sikolohikong handa kayong mag-trade sa pamilihan. Bagaman at may mahalagang tungkulin na ginagampanan ang estratehiya sa pamilihan, mas malaki ang tungkulin ng sikolohiya.

Magtakda ng antas ng panganib

Ang antas ng panganig ay dapat nasa pagitan ng humigit-kumulang 1% hanggang 5% ng inyong portfolio sa isang araw ng trading. Kaya, kung malulugi kayo ng halagang iyon sa inyong araw ng trading, dapat lumabas kayo sa pamilihan.

Magtakda ng mga layunin

Bago kayo pumasok sa isang trade, magtakda ng mga makatotohanang target ng kita at ratio ng panganib/gantimpala at ang pinakamababang panganib/gantimpala na tatanggapin ninyo. Magtakda ng mga lingguhan, buwanan at taunang layunin ng kita at muling suriin ang inyong mga layunin nang panayan.

Huwag ipagsapalaran ang higit sa makakaya ninyong mawala sa inyo

Ang isa sa mga prinsipyo ng matagumpay na trading ay huwag ninyong ipagsapalaran ang higit sa makakaya ninyong mawala sa inyo. Mapanganib ang trading, at maaari kayong malugi ng lahat ng inyong kapital o higit pa kung propesyonal na trader kayo. Kung wala kayong sapat na kapital para magsimulang mag-trade, magbukas ng isang demo account at magpraktis na mag-trade gamit ang birtuwal na pera. Makakapag-place kayo ng mga trade sa aktuwal na oras nang hindi ipinagsasapalaran ang pera ninyo.

Magsagawa ng pananaliksik

Bago magbukas ang pamilihan, matuto ng lahat ng kaya ninyo tungkol sa klase ng asset at pamilihan na gusto ninyong i-trade. Suriin ang pagbabagu-bago ng pamilihan, potensyal na kita o pagkalugi, at ibang mga nauugnay na salik. Kung hindi kayo nasisiyahan sa mga umiiral na kondisyon, maaari kayong magsaalang-alang ng ibang pamilihan.

Magtakda ng mga tuntunin sa pagpasok at paglabas

Sa katotohanan, ang mga propesyonal na trader ay natatalo sa mas maraming trade kaysa sa mga pinananalunan nila, ngunit sa pamamagitan ng pamamahala ng kanilang pera at paglilimita sa kanilang mga pagkalugi, kumikita pa rin sila. Samakatuwid, bago kayo pumasok sa isang trade, kailangan alam ninyo kung kailan kayo lalabas sa pamamagitan ng pagtatakda ng inyong mga stop loss at target ng kita.

Magsimula ng isang talaarawan sa trading

Dapat may talaarawan sa trading kayo kung saan ninyo itatala ang lahat ng inyong trade. Maaari ninyong isulat ang mga detalye tulad ng mga target, ang punto ng pagpasok at paglabas ng bawat trade, ang oras, mga antas ng suporta at pagtutol, at higit pa. Gayon din, itala kung bakit ninyo isinagawa ang trade pati na rin ang mga araling natutunan ninyo. Lalong mas maraming detalye sa inyong talaarawan, lalong mas maganda.

Suriin ang pagganapS

Pagkatapos ng bawat araw ng trading, itala ang inyong pagganap sa inyong talaarawan sa trading upang mabalikan ninyo ito mamaya. Tandaan, palaging magkakaroon ng mga natatalong trade. Ang susi ay ang pagkakaroon ng isang plano sa trading na matagumpay sa pangmatagalan.

Mga huling pag-iisip

Ang susi sa matagumpay na trading ay paghahanda, at ang isang plano sa trading ay isa sa mga mahalagang kagamitan para maghandang mag-trade. Ang mga trader na matagumpay ay patuloy na itinuturing na negosyo ang trading. Bagaman at walang garantiya na kikita kayo, ang pagkakaroon ng isang plano sa trading ay mahalaga kung gusto ninyong maging patuloy na matagumpay at mabuhay sa laro ng trading.

PAGTATATUWA: Ang impormasyong ito ay hindi itinuturing na payo sa pamumuhunan o isang rekomendasyon sa pamumuhunan, at sa halip ay komunikasyon sa marketing.

Table of contents