Hindi madali ang pangmatagalang tagumpay sa trading; ang mga trader na patuloy na kumikita ay may mga parehong kakayahan. Ang unang kakayahan ay ang pagkilala ng mga estratehiyang posibleng kumita at pagkatapos gamitin ang mga ito bilang bahagi ng isang plano sa trading. Pangalawa, dapat mahusay ang mga estratehiya habang may mga uptrend ang pamilihan, at pati rin sa mga downtrend.
Magbasa para matutunan ang 20 tuntunin na sinusunod ng mga propesyonal na trader upang patuloy na kumita sa pangmatagalan.
1. Iplano ang inyong trade, at i-trade ang inyong plano
Sundin ang inyong plano sa trading dahil makakatulong ito sa inyong magkaroon ng disiplina at pipigilan nito kayong makipagsapalaran nang higit sa makakaya ninyo. Kapag may kumpiyansa na kayo sa inyong plano sa trading, magkakaroon kayo ng disiplina upang ipatupad ito, kahit na may mga hindi maiiwasang sunod-sunod na pagkatalo. Palaging sundin ang tuntuning ito: iplano ang inyong trade at i-trade ang inyong plano.
2. Kalimutan ang madla
Upang kumita sa pangmatagalan, dapat iposisyon ninyo ang inyong sarili sa harap o sa likod ng madla, ngunit kailanman ay hindi sa madla. Binubuo ang madla ng iba’t-ibang indibidwal na madalas na nakakaranas ng naglalabanan at magkasalungat na damdamin. Kilala rin bilang pag-uugali ng pagpapastol, ang pag-uugali ng madla ay nakakapag-trigger ng malalaki at walang-batayang pagbawi at sell-off sa pamilihan na madalas na walang pangunahing suporta na nabibigyang-katwiran sa aksiyon ng presyo.
3. I-update ang inyong plano sa trading
I-update ang inyong plano sa trading nang linggu-linggo o buwan-buwan at magdagdag ng mga bagong ideya at tanggalin ang mga masamang ideya. Balakan at basahin ang plano bawat beses na kailangan ninyo ito, o kung naghahanap kayo ng paraan kung paano makalabas.
4. Mangako kayong magsumikap
Ang inyong kompetensiya ay gumugugol ng daan-daang oras para hasain ang kanilang mga estratehiya, kaya huwag ninyong asahang makakamit ng pangmatagalang tagumpay nang walang pagsusumikap at disiplina.
5. Subukang huwag sundan ang madla
Ang mga kita ay kadalasang hindi resulta ng pagsunod sa karamihan o ang madla. Kapag nakita ninyo ang perpektong setup ng trade, malamang na nakita na rin ito ng lahat, kaya magiging bahagi lamang kayo ng madla at mabibigo lamang kayo.
6. Huwag labagin ang inyong mga tuntunin
Ang layunin ng paglikha ng mga tuntunin sa trading ay upang maiahon kayo sa problema kung hindi maganda ang takbo ng mga posisyon ayon sa inaasahan ninyo. Kung lalabagin ninyo ang inyong mga tuntunin, nawalan kayo ng disiplina at pinahihintulutan ninyo ang mas malalakaing pagkalugi.
7. Iwasan ang mga guru sa pamilihan
Ang payo mula sa mga guru sa pamilihan ay hindi nangangahulugang magandang payo para sa inyong portfolio o mga layunin. Suriin ang kanilang payo dahil nanganganib ang pera ninyo, hindi ang kanila.
8. Gamitin ang inyong intuwisyon
Ginagamit ng trading ang mga mathematical at artistikong panig ng inyong utak, kaya dapat ninyong hasain silang dalawa upang magtagumpay sa katagalan.
9. Huwag mawalan ng kontrol
Kung disidido kayong mag-trade ng isang espesipikong instrumento sa trading, maaari kayong mawalan ng kontrol at gumawa ng maling desisyon sa trading.
10. Manatiling kalmado
Huwag ninyong hayaang kontrolin ng kasakiman, pag-asa at takot ang inyong mga damdamin. Bago kayo pumasok sa isang trade, suriin kung emosyonal at sikolohikong handa kayong mag-trade sa pamilihan. Bagaman at may mahalagang tungkulin na ginagampanan ang estratehiya sa pamilihan, mas malaki ang tungkulin ng sikolohiya.
11. Huwag subukang magpatas
Natural na bahagi ng pamumuhunan at trading ang mga drawdown. Tanggapin sila at sumunod sa mga napatunayang estratehiyang alam ninyong mapapanumbalik ang inyong pagganap sa trading. Huwag bumawi sa natatalong trade sa pamamagitan ng pagte-trade ng higit pa.
12. Huwag balewalain ang mga babala
Madalang na nangyayari ang malalaking pagkalugi nang walang maraming teknikal na babala. Karaniwang binabalewala ng mga trader ang mga senyas na iyon at hinahayaan nilang palitan ng pag-asa ang maingat na disiplina, kaya nalulugi sila. Kaya, subaybayan ang mga maagang senyas na nagbabago ang mga kondisyon sa pamilihan at naglilikha ng mga panganib para sa inyong mga posisyon.
13. Hindi nag-iisip ang mga kagamitan
Ang ilang trader ay sinusubukang bumawi para sa hindi sapat na kakayahan sa trading gamit ang mahal na software na may kasamang mga senyas na bumili at magbenta ng tagagawa nito. Maaaring makahadlang ang mga kagamitang ito sa mahalagang karanasan kapag sa tingin ninyo na mas matalino ang software kaysa sa inyong sariling karanasan. Gumamit ng mga kagamitan na bagay sa inyong plano sa trading, ngunit tandaan na kayo ang may kontrol.
14. Gamitin ang inyong utak
Matuto ng anumang matututo ninyo sa iba, at pagkatapos ay magtatag ng inyong sariling pagkakakilanlan sa pamilihan sa pamamagitan ng pagbabatay nito sa inyong mga natatanging kakayahan at ang antas ng panganib na makakaya ninyo.
15. Walang lihim na pormula
Nangangarap ang mga natatalong trader tungkol sa lihim na pormula na mahiwagang magpapabuti sa kanilang mga resulta. Sa katotohanan, walang mga lihim dahil ang landas patungo sa tagumpay ay dumadaan sa mga maingat na desisyon, mabilang pamamahala sa panganib, at bihasang pagkuha ng kita.
16. Alisin ang mentalidad ng pasahuran
Tinuruan tayong magtrabaho nang buong linggo para sa isang sahod. Ang mentalidad ng pasahurang ito ay salungat sa natural na daloy ng mga panalo at talo sa trading sa haba ng isang taon. Kung tutuusin, ipinapakita ng mga estadistika na ang karamihan sa mga taunang kita ay ginagawa sa iilang araw ng trading lamang.
17. Maging maingat
Ayos lamang kung maganda ang pakiramdam ninyo tungkol sa isang trade na mukhang maganda ang takbo, ngunit wala kayong kita hanggang lumabas kayo sa trade. Siguraduhin ninyo ang anumang kaya ninyo habang maaga sa pamamagitan ng mga trailing stop o bahagyang kita, kaya hindi mananakaw ng nakatagong kamay ng pamilihan ang inyong mga kita sa huling sandali.
18. Tutukan ang aksiyon ng presyo
Tutukan ang aksiyon ng presyo at tanggapin na pangalawa ang lahat ng iba pa. Umusad at gumawa ng mga masalimuot na teknikal na panuto, habang isinasaalang-alang na ang kanilang pangunahing tungkulin ay upang kumpirmahin ang nakikita na ninyo.
19. Tanggapin ang mga pagkalugi
Ang trading ay isa sa mga napakakaunting propesyon kung saan ang pagkalugi araw-araw ay isang natural na landas patungo sa tagumpay. Tinuturuan kayo ng bawat pagkalugi ng isang mahalagang aralin ng pamilihan. Gayon din, alamin kung kailan kayo dapat tumigil at magpahinga sa trading. Tanggapin ang mga pagkalugi, maglaan ng oras para sa muling pagsusuri, at bumalik sa pamilihan nang may bagong pananaw.
20. Mag-ingat sa pampatibay
Ang aktibong trading ay nagpapalabas ng adrenaline at mga endorphin. Maaaring magdulot ng mga damdamin ng pananabik ang mga kimikong ito kahit na nalulugi kayo. Tuloy, hinihikayat nito ang mga trader na may mga nakahuhumaling na personalidad na pumili ng masasamang posisyon, para lamang makakuha ng adrenaline fix. Kung nagte-trade kayo para makaranas ng sabik, malamang nagte-trade kayo para sa mga maling dahilan.
Mga huling pag-iisip
Ang karamihan sa mga trader ng araw at baguhan ay nalulugi ng pera pagkatapos ng maikling haba ng panahon. Dahil nabigo silang makamit ang kanilang ganap na potensyal, sa huli ay humihinto sila at naghahanap ng mga mas tradisyonal na paraan para kumita ng pera.
PAGTATATUWA: Ang impormasyong ito ay hindi itinuturing na payo sa pamumuhunan o isang rekomendasyon sa pamumuhunan, at sa halip ay komunikasyon sa marketing.