Baguhan man kayo o propesyonal na trader, mahalagang gumamit ng isang estratehiya sa trading ng forex upang mabawasan ang panganib at lubus-lubusin ang mga kita. Sa artikulong ito, titingnan natin ang ilang estratehiya sa trading na magagamit ng mga pandaigdigang trader.
Ano ang isang estratehiya sa trading ng forex?
Ang mga estratehiya sa trading ng forex, o mga diskarte sa trading, ay mga pamamaraang ginagamit ng mga trader ng forex upang matukoy kung bibili o magbebenta ng isang pares ng salapi sa anumang tiyak na panahon. Maaaring batay ang mga estratehiya sa teknikal o pundamental na pag-aanalisa, o ibang mga pangyayaring batay sa balita. Ang estratehiya ay kadalasang binubuo ng mga senyas sa trading na nagti-trigger ng mga desisyong bumili o magbenta. Ang mga estratehiya sa trading ay nakakatulong sa mga trader na maging hindi pabagu-bago sa halip na mag-trade lamang ayon sa impulso o damdamin, at nakakatulong din silang sukatin ang pagganap at mga kinalabasan sa trading.
Diskarte sa trading
Upang gumawa ng isang estratehiya sa trading, kailangan muna ninyong kilalanin kung anong uri ng trader ng forex kayo. Ang bawat trader ay may natatanging diskarte, ugali, toleransiya sa panganib, at personalidad. Naiimpluwensiyahan ang diskarte sa trading ng isang trader ng forex ng maraming iba’t-ibang salik, kabilang ang kung gaano kadaming oras ang maigugugol nila para mag-trade, ang kanilang mas gustong paraan ng pag-aanalisa (teknikal o pundamental), o kung gaano nila kaayaw ang panganib.
Iba’t-ibang uri ng mga estratehiya sa trading ng forex
May iba’t-ibang uri ng mga estratehiya sa trading, at ayon sa nabanggit na, mahalagang bahagi ito ng live na trading. Tingnan natin ang ilan sa mga pangunahing estratehiya sa trading ng forex.
Estratehiya ng scalping ng forex
Ang scalping ng forex ay ginagamit ng mga trader ng araw at kaakibat nito ang pagbubukas ng maraming maliliit na pandandaliang trade, na nag-iiba mula sa iilang segundo hanggang ilang minuto. Nilalayon ng scalper ng forex na magsagawa ng malaking bilang ng mga trade at pakinabangan ang maliliit na galaw ng presyo sa haba ng araw. Tulad ng lahat ng diskarte ng trading, may mga panganib din ang scalping ng forex. Ang leverage, mga spread, mga singil at slippage ay mga panganib na kailangang kontrolin, pamahalaan at isaalang-alang ng trader hangga’t maaari.
Estratehiya sa trading sa araw
Kadalasang sinusubukan ng mga trader ng araw na kumita sa mga panandaliang galaw ng presyo ng isang instrumento. Maaaring unti-unti lumaki ang mga kitang ito sa loob ng araw. Ang pangunahin at pinakamahalagang tuntunin sa trading sa araw ay isinasara ng trader ang lahat ng posisyon niya sa katapusan ng araw ng trading. Kadalasang gumagamit ang mga trader ng araw ng teknikal na pag-aanalisa, at pundamental na pag-aanalisa, kung kinakailangan.
Estratehiya sa trading ng swing
Ang trading ng swing ay isang diskarte sa trading na karaniwang pinananatili ang isang posisyon nang ilang oras, araw o higit pa. Nilalayon nitong kumita mula sa mga nagbabakasakaling galaw ng presyo, na bumibili nang mababa at nagbebenta nang mataas (o bise bersa). Pangunahing gumagamit ang mga trader ng swing ng teknikal na pag-aanalisa, at maaari silang gumamit din ng pundamental na pag-aanalisa. Inilalantad ng trading ng swing ang trader sa panganib sa magdamag at katapusan ng linggo kung saan maaaring humiwalay ang presyo at magbukas sa susunod na sesyon sa isang presyong ibang-iba.
Estratehiya sa trading ng mga kalakaran
Ang trading ng mga kalakaran ay isang diskarte sa trading na batay sa pag-aanalisa ng direksiyon ng mga kalakaran upang makilala ang mga pagkakataon sa trading. Idinisenyo ito upang pakinabangan ang mga uptrend o downtrend. Kadalasang nagpapahiwatig ang mga tumataas na presyo ng isang uptrend, samantalang ang mga bumababang presyo ay karaniwang nagpapahiwatig ng isang downtrend. Bilang karagdagan sa pagtingin sa mga pinakamataas at pinakamababang presyo, ang mga trader ng mga kalakaran ay gumagamit ng ibang mga kagamitan tulad ng mga linya ng kalakaran, moving average, at teknikal na panuto upang makilala ang direksiyon ng kalakaran.
Estratehiya sa trading ng posisyon
Ang trading ng posisyon ay isang sikat na pangmatagalang estratehiya sa trading na pinahihintulutan ang mga mamumuhunan na panatilihin ang isang posisyon nang mas matagal dahil inaasahang umakyat ang halaga ng pamumuhunan. Ang mga trader ng posisyon ay mas hindi nababahala sa mga panandaliang galaw ng presyo at mas gustong umasa sa mas tumpak na pundamental na pag-aanalisa at pangmatagalang kalakaran. Ang mga trader ng posisyon ay mga tagasunod ng kalakaran. Naniniwala sila na kapag nagsimula na ang isang kalakaran, malamang na matagal itong magpapatuloy. Kinikilala ng mga trader ng posisyon ang isang kalakaran at pamumuhunan na makikinabang sa kalakarang ito, at pagkatapos ay binibili at pinananatili nila ang pamumuhunan hanggang umabot sa tuktok ang kalakaran.
Estratehiya sa trading na gumagamit ng algorithm
Ang mga estratehiya sa trading na gumagamit ng algorithm ay kung saan awtomatiko ang pagsasagawa ng mga order sa pamamagitan ng mga nakaprogramang tagubilin sa trading. Ang mga tagubiling ito ay mga linya ng code na inilalarawan ang mga tagubilin tungkol sa kung kailan bibili at magbebenta, at maaaring kabilang dito ang pag-aanalisang pagtsatsart, pag-aanalisa ng pagbabagu-bago, pag-aanalisa ng arbitrahe ng presyo o kalakaran lamang kasunod ng mga galaw ng presyo. Sinusubukang alisin ng trading na gumagamit ng algorithm ang mga damdamin sa mga trade, kaya tinitiyak na naisasagawa ang mga ito nang maayos at pine-place kaagad.
Estratehiya sa trading na tinutulak ng pangyayari
Ang isang estratehiyang tinutulak ng pangyayari ay isang uri ng estratehiya na sinusubukang kumita mula sa maling pagpepresyo ng sapi na maaaring mangyari sa panahon o pagkatapos ng isang pangyayari ng kompanya. Ang mga mamumuhunan na gumagamit ng isang estratehiyang tinutulak ng pangyayari ay may mga team ng espesyalista na sinusuri ang mga aksiyon ng kompanya bago nagrerekomenda ng aksiyon. Ang ilang halimbawa ng mga pangyayari ng kompanya ay mga merger at acquisition, pagbabago sa regulasyon, at tawag tungkol sa mga kita.
Pamamahala sa panganib
Ang isang mahalagang bahagi ng isang estratehiya sa trading ng forex ay ang pamamahala sa panganib. Mapanganib ang trading ng forex at ang pamamahala ng panganib ay mahalaga upang mabawasan ang malalaking pagkalugi. Pinahihintulutan kayo ng isang plano sa pamamahala sa panganib na magpatupad ng isang set ng mga tuntunin at hakbang upang bawasan ang epekto ng mga negatibong pangyayaring maaaring makaapekto sa isang trade ng forex. Kabilang sa mga tuntuning ito ang mga stop loss na order na awtomatikong isinasara ang mga posisyon sa trading (upang limitahan ang mga pagkalugi) kapag umabot sila sa isang tiyak na antas ng presyo. Gayon din, may mga take profit na order na isinasara ang inyong mga posisyon sa trading kapag umabot ang presyo sa isang tiyak na antas ng presyo. Isinasaalang-alang din ng pamamahala sa panganib ang mga panganib na nauugnay sa leverage. Nagbibigay ang leverage sa trader ng pagkakataon na lubus-lubusin ang mga kita, ngunit inilalantad din nito sila sa malalaking pagkalugi kapag hindi ito maayos na napamahalaan.
Pamahalaan ang inyong estratehiya a pamamagitan ng magandang edukasyon sa forex
Isinasama rin ng isang matagumpay na estratehiya sa trading ng forex ang kaalaman at pag-unawa sa pamilihan ng forex ng trader. Anuman ang inyong antas ng karanasan sa trading, kailanman ay hindi tumitigil ang pagkatuto tungkol sa forex. Nangangahulugan ito na dapat ninyong patuloy na pagbutihin ang inyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagbabasa ng lahat ng mapagkukunang kaugnay sa forex tulad ng mga e-book, artikulo at gabay. Manood ng lahat ng video na kaya ninyo o sumali sa mga webinar sa mga paksang kaugnay sa forex upang matuto ng mga kapaki-pakinabang na tip. Gayon din, tiyaking madalas na suriin ang mga nakaraan at kasalukuyang tsart at manatiling napapanahon sa mga pandaigdigang balita sa ekonomiya at politika, at mga hindi inaasahanag pagpapaiba-iba sa pamilihan. Bilang karagdagan, masinsinang pag-aralan ang teknikal at pundamental na pag-aanalisa.
Magbukas ng demo account upang ipraktis ang inyong estratehiya sa trading ng forex
Magbukas ng isang demo account upang ipraktis ang inyong estratehiya sa trading kasama ng isang mapagkakatiwalaang broker ng forex tulad ng IronFX. Makakakuha rin kayo ng karanasan sa trading sa isang live na kapaligiran ng trading at magagamit ninyo ang teknikal at pundamental na pag-aanalisa nang walang tunay na perang ipinagsasapalaran.
PAGTATATUWA: Ang impormasyong ito ay hindi itinuturing na payo sa pamumuhunan o isang rekomendasyon sa pamumuhunan, at sa halip ay komunikasyon sa marketing.