May maraming online na broker ng CFD na makakapag-alok ng iba’t-ibang bagay sa lahat ng uri ng trader. Gayon pa man, ang pagpili ng pinakamahusay na broker ay tinutukoy ng inyong mga pangangailangan at layunin sa trading. Kung naghahanap kayo ng isang broker ng CFD, magbasa upang matuto kung paano pumili ng isa.
Ano ang CFD?
Ang isang CFD (Contract for Difference) ay isang kontrata sa pagitan ng isang mamumuhunan at broker ng CFD na palitan ang pagkakaiba sa halaga ng isang produktong pinansyal sa pagitan ng oras kung kailan bubuksan at isasara ang kontrata. Pinahihintulutan ng mga CFD ang mga trader na magbakasakali sa mga galaw ng presyo ng mga pinagbabatayang instrumentong pinansyal.
Ang tungkulin ng broker ng CFD
Ang mga broker ng CFD ay kumikilos bilang tagapamagitan sa pagitan ng mga trader at ang pamilihang pinansyal at nag-aalok ng mga CFD at akses sa mga trading platform. May iba’t-ibang broker ng CFD ayon sa kanilang mga serbisyo, instrumento sa trading at kondisyon sa trading. May maraming broker na available sa online na nag-aalok ng mga katulad ng kondisyon sa trading at isang malawak na hanay ng mga instrumentong pinansyal. Halimbawa, magpaparehistro ang isang trader ng forex sa isang broker ng CFD upang makapag-trade ng mga CFD sa mga pares ng salapi. Kapag nagte-trade ng forex, bibili o magbebenta ang isang trader ng mga CFD sa mga pares ng salapi. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang trading account sa isang broker ng CFD. Kapag nakapagbukas na sila ng isang account, mapopondohan na nila ang account at magagamit nila ang trading platform ng broker upang magsagawa ng mga trade.
Sa gayon, anong dapat hanapin ng isang trader kapag pumipili ng isang broker ng CFD?
Paano pumili ng isang mahusay na broker ng CFD
May daan-daang broker ng CFD na mapagpipilian, ngunit may mahahalagang katangian na dapat hanapin ng mga trader kapag pumipili ng isang broker. Magbasa upang matuto ng higit pa tungkol sa kung ano ang dapat isaalang-alang kapag pumipili ng broker:
Mga trading platform
Ang isang trading platform na bumabagay sa mga indibidwal na pangangailangan ng iba’t-ibang trader ay napakahalaga. Ang isang magandang platform ay mag-aalok ng malawak na hanay ng mga kagamitan sa pag-aanalisa na kailangan ng lahat ng trader. Kabilang dito ang mga panuto ng teknikal na pag-aanalisa, mga kagamitan sa pagguhit sa tsart, akses sa mahahalagang balita sa pamilihan, at marami pang iba.
Kapag pumipili ng isang broker ng CFD, isaalang-alang na magbukas ng isang demo account upang subukan ang platform ng broker pati na rin ang inyong mga estratehiya sa trading sa isang kapaligiran ng trading na walang panganib. Gumamit ng mga birtuwal na pondo upang ipraktis ang inyong mga pamamaraan sa trading at tingnan kung user friendly ba ang platform. Maghanap ng mga tampok tulad ng mga advanced na kagamitan sa analytics, interaktibong tsart, senyas sa trading, atbp., upang makatulong sa inyong magkaroon ng mahalagang kadalubhasaan sa trading.
MetaTrader 4
Ang MetaTrader 4 (MT4) trading platform ay itinuturing bilang isa sa pinakamahusay na trading platform ng forex ng mga pandaigdigang trader. May maraming dahilan kung bakit sikat ang MT4. Maaari itong i-customize upang bumagay sa mga pangangailangan at diskarte sa trading ng mga trader sa lahat ng antas ng kakayahan. Magagamit ang platform sa labas sa pamamagitan ng isang mobile app at sa pamamagitan ng web sa anumang browser o operating system. Ang isa pang pangunahing katangian ng MT4 ay ang matatag na pagganap; lubos na maaasahan ang platform para sa mga trader na nauunawaan na kahit isang sandali ng downtime ay makakaapekto sa kanilang kita. Bilang karagdagan, magagamit ang Mga Expert Advisor sa MT4 platform upang gawing awtomatiko ang mga proseso sa trading, na pinahihintulutan ang mga trader na paunlarin, subukan at gamitin ang Mga Expert Advisor at teknikal na panuto.
Mga tampok ng account
Ang isang mahusay na broker ng CFD ay dapat mag-alok ng isang hanay ng mga uri ng account na may mahahalagang tampok na dapat isaalang-alang ng mga trader, kabilang ang mas mataas na leverage o mga spread para sa mga espesipikong diskarte sa trading.
1. Leverage
Ang leverage ay isang pangunahing tampok ng trading ng CFD. Sa madaling salita, ang leverage ay mga hiniram na pondo. Pinahihintulutan kayo nito na magbukas ng mga posisyon sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang praksiyon ng kanilang buong halaga, na kilala bilang inyong marhen. Halos lahat ng broker ng CFD at forex ay nag-aalok ng leverage, at ang laki ng leverage ay nakadepende sa broker. Kadalasang maaaring piliin ng isang trader ang halaga ng leverage na gusto nila batay sa laki ng mga trade na nais nilang isagawa. Gayon pa man, nauugnay ang leverage sa napakataas na panganib, lalo na sa panahon ng pagbabagu-bago ng pamilihan. Bilang resulta, bagaman at maaaring palakihin ng leverage ang mga kita, maaari rin nitong mabilis na ilantad ang isang trader sa malalaking pagkalugi.
Dapat lubos na mag-ingat ang isang trader kapag gumagamit ng leverage. May isang hanay ng mga kagamitang makakatulong sa isang trader na bawasan ang panganib ng leverage, upang maiwasang malugi siya ng lahat ng kapital niya. Kabilang dito ang:
- Mga stop loss na order:Ito ay isang order na isara ang isang partikular na posisyon sa isang tiyak na antas ng presyo.
- Mga take profit na order:Ito ay isang order para isara ang isang trade kapag naabot ng isang presyo ang isang espesipikong antas o kung natamo ang ninanais na antas ng kita.
2. Mga mapagkumpitensyang spread
Ang isang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng mga broker ng CFD ay ang pagiging mapagkumpitensya ng mga spread na inaalok nila. Maaaring maging makitid o malawak ang mga spread, at nakadepende ito sa ilang salik:
- ang mga pares ng salapi na ite-trade
- ang oras ng araw kung kailan isasagawa ang isang trade
- mga pagpapaiba-iba sa pamilihan
Ang nangungunang broker ng CFD na IronFX ay nag-aalok ng flexible na leverage at mga mapagkumpitensyang spread sa isang hanay ng mga asset. Kasama ang kanilang mga napakagandang kondisyon at produkto sa trading, mainam lamang na piliin ninyo ang IronFX.
Suporta sa customer
Ang mahuhusay na broker ay nakatuon sa kanilang mga kliyente at kinikilala nila ang kahalagahan ng paghahandog ng magandang suporta sa customer para hindi kailanman kailangang mag-alala ang mga trader tungkol sa anumang mga teknikal na isyu, alalahanin tungkol sa deposito/pagwi-withdraw, o anumang aspekto na makakaapekto sa kanilang aktibidad sa trading. Samakatuwid, ang isang maaasahang broker ay dapat makapaghandog sa mga trader ng suporta nang 24/5 upang masagot ang lahat ng kanilang tanong nang mabilis at maayos. Mahalaga rin na ang broker ay nagsasalita ng wika ng kliyente.
Demo account
Ang isang mahusay na broker ng CFD ay dapat mag-alok ng isang demo trading account upang masubukan ng mga trader ang trading platform at mapraktis nila ang kanilang mga estratehiya sa ilalim ng mga kondisyon sa tunay na pamilihan bago sila magbukas ng isang tunay na account.
Piliin ang IronFX
Upang piliin ang tamang broker ng forex, dapat kayong magsagawa ng malalim na pananaliksik upang makagawa ng may-kabatirang desisyon. Isaalang-alang ang IronFX na siyang ang pandaigdigang lider sa online trading at nag-aalok ng maraming inobatibong kagamitan sa trading, mapagkukunan sa pag-aaral at kasalukuyang kabatiran sa pamilihan upang maging matagumpay na trader kayo. Ito ay bilang karagdagan sa isang malakas na team ng suporta sa customer, flexible na leverage, mabababang spread, at mabilis na pagsasagawa.
PAGTATATUWA: Ang impormasyong ito ay hindi itinuturing na payo sa pamumuhunan o isang rekomendasyon sa pamumuhunan, at sa halip ay komunikasyon sa marketing.