Ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga kurso sa trading ng CFD ay magandang simula kung balak ninyong magsimulang mag-trade ng mga CFD. Kung gusto ninyong magsimula, pagagandahin ng magandang edukasyon sa CFD ang inyong tsansang magtagumpay at tutulungan kayong gumawa ng mas mahuhusay na desisyon.
Magbasa upang matuto tungkol sa mga CFD, ang mga pangunahing bentaha ng trading ng CFD at isang overview ng mga kurso sa trading ng CFD.
Ano ang mga CFD
Ang mga CFD (Contracts for Difference) ay mga instrumentong pinansyal o derivative na pinahihintulutan ang mga trader na magbakasakali sa parehong pagtaas at pagbaba ng presyo sa mga pinagbabatayang instrumentong pinansyal at madalas na ginagamit upang magbakasakali sa mga pamilihang iyon.
Mga Bentaha ng Trading ng CFD
Ang mga CFD ay isang produktong pinansyal na derivative na pinahihintulutan kayong mag-trade gamit ang leverage sa loob ng mga pamilihang pinansyal. Tingnan natin ang ilang bentaha sa trading ng CFD.
Mag-trade sa parehong tumataas at bumababang pamilihan
Sa mga CFD, maaari kayong mag-“go short” (magbenta) kung sa tingin ninyo na bababa ang presyo o mag-“go long” (bumili) kung sa tingin ninyo na tataas ang mga presyo. Samakatuwid, maaari kayong makinabang sa mga pagkakataong magbenta pati na rin bumili.
Mag-trade nang may marhen
Tine-trade ang mga CFD nang may marhen, na nangangahulugan na nagbibigay ang broker ng “leverage”. Sa gayon, makakapag-trade kayo nang hindi inilalabas ang buong halaga ng isang posisyon. Gayon pa man, isaalang-alang na nangangahulugan ang trading gamit ang marhen na maaari ninyong palakihin ang inyong mga kita, ngunit mahalagang tandaan na maaari ring lumaki ang inyong mga pagkalugi.
Matuto tungkol sa trading ng CFD
Upang mag-trade nang may kumpiyansa, dapat kayong mamuhunan sa magandang edukasyon upang matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa trading ng CFD at magkaroon ng mabuting pag-unawa kung paano sila gumagana.
Mga Uri ng Mga CFD
May iba’t-ibang pinansyal na asset na maite-trade bilang mga CFD sa pangkalahatan. Kabilang dito ang forex, mga sapi, indise, kalakal at metal.
Forex: Ang mga pangunahing pares ay ang mga pinakamadalas na tine-trade na pares. Ang mga ito ay ang EUR/USD, GBP/USD, USD/JPY.
Mga Sapi: Ang mga CFD sa mga sapi ay batay sa mga indibidwal na sapi; halimbawa, Amazon, Alphabet, Meta, Tesla at Apple.
Mga Indise: Ang mga CFD sa mga indise ay batay sa mga pinagbabatayang indise, kabilang ang S&P 500 at Germany 40.
Mga Kalakal: Available ang mga CFD para sa mga pinakamadalas na tine-trade na kalakal tulad ng krudong langis, asukal at kape.
Mga Metal: Ang ginto at pilak ay mga karaniwang tine-trade na instrumento, ngunit ang palladium at platino ay komun din sa trading ng CFD.
Pundamental na pag-aanalisa
Isinasaalang-alang ng pundamental na pag-aanalisa ang mga geopolitical, pang-ekonomiya o pangkapaligirang salik na maaaring makaimpluwensiya sa mga galaw ng presyo ng mga pandaigdigang instrumentong pinansyal. Maaaring makaapekto rin ang implasyon, mga antas ng interes, mga patakaran sa pananalapi, digmaan at mga natural na sakuna sa mga galaw ng presyo.
Ang mga CFD ay isang produktong may leverage
Sa pamamagitan ng leverage, maaari kayong magkaroon ng mas mataas na pagkakalantad sa mga pamilihan dahil makakapagdeposito kayo ng isang bahagdan lamang ng buong halaga ng trade na nais ninyong i-place. Bagaman at maaari kayong kumita kung gagalaw ang pamilihan na pabor sa inyo, maaari rin kayong magkaroon ng malalaking pagkalugi kung gagalaw ang trade nang laban sa inyo at wala kayong mga estratehiya sa pamamahala sa panganib na nakahanda.
Mga estratehiya sa pamamahala sa panganib
May kaakibat na malaking panganib ang trading ng CFD, kaya mahalagang matuto tungkol sa mga estratehiya sa pamamahala sa panganib upang mas mahusay na pamahalaan ang kapital na tine-trade nila.
Mga mapagkukunan sa trading ng CFD
Tingnan natin ang ilan sa mga mapagkukunan at kurso sa trading na available para sa mga trader upang pagbutihin ang kanilang kaalaman sa CFD.
Mga artikulo, blog at libro
Ang kaalaman ay kapangyarihan, kaya magandang paraan ang pagbabasa para makakuha ng kaalaman tungkol sa trading ng CFD at mga pamilihang pinansyal. May maraming artikulo, libro, blog at e-book na available na tinatalakay ang iba’t-ibang paksa para sa parehong mga baguhan at bihasang trader. Ito ay mula sa mga pangunahing kaalaman sa trading ng CFD hanggang mga advanced na pamamaraan sa trading. Galugarin ang blog ng IronFX Academy at matutunan ang lahat tungkol sa trading ng CFD at mga pamilihang pinansyal.
Mga webinar sa trading
Ang mga webinar sa trading ay isang maginhawang mapagkukunan upang matuto ng higit pa tungkol sa trading ng CFD sa online. Makakakuha ang mga trader ng akses sa mga kapaki-pakinabang na tip sa trading at mga ekspertong kabatiran pati na rin pagbutihin ang kanilang kaalaman at mga kakayahan sa trading. Ang mga webinar ay isang sikat na mapagkukunan para matutunan ang lahat tungkol sa mga CFD at kadalasang nakatuon sa mga pangunahing paksa upang matulungan ang isang trader na pahusayin ang kanilang kaalaman at estratehiya sa trading.
Tinatalakay ng mga webinar ng IronFX Academy ang mga pangunahing aspekto ng trading ng mga pamilihang pinansyal at ginawa sila para sa parehong mga baguhan at mas advanced na trader. Magkakaroon kayo ng ekspertong kaalaman tungkol sa FX at makikinabang sa isang payak na pag-aanalisa ng mga pamilihan at magkakaroon ng pagkakataong makilahok sa isang interaktibong sesyon ng mga tanong at sagot upang masagot ang lahat ng inyong tanong.
Mga pang-edukasyong podcast
Ang mga pang-edukasyong podcast ay isa pang kapaki-pakinabang na mapagkukunan upang matuto ng higit pa tungkol sa trading ng CFD at mga pamilihang pinansyal. Kadalasang kabilang sa mga podcast ang mga kabatiran mula sa mga propesyonal sa industriya, pag-aanalisa sa pamilihan, at mga tip at estratehiya upang lubus-lubusin ang inyong mga trade. Gayon din, ang mga trader ay kadalasang makakapagtanong at matatagpuan ang mga sagot sa mga karaniwang hamon sa trading.
Ang mga podcast sa trading ng IronFX Academy ay naghahandog ng mga napapanahong balita at pag-aanalisang pinansyal upang panatilihing nakakaalam ang mga trader tungkol sa mga pangyayaring nagpapagalaw sa pamilihan at kabatiran sa trading. Panay na ina-update ang mga podcasts, kaya naghahandog ang mga ito ng nagbibigay-kaalamang nilalaman upang madagdagan ang mga tsansa ng mga trader na magtagumpay sa trading.
Mga video sa trading
Ang edukasyon sa trading sa pamamagitan ng video ay pasikat nang pasikat, lalo na sa pamamagitan ng YouTube. May libu-libong pang-edukasyong video sa trading na available sa online, na naghahandog ng iba’t-ibang kabatiran sa trading ng CFD.
Pinagsama-sama ng IronFX Academy ang ilan sa mga pinakanagbibigay-kaalamang video sa trading ng forex upang matulungan ang mga trader na magtagumpay sa kanilang paglalakbay sa trading. Naaangkop para sa lahat ng uri ng trader, ang mga video ng IronFX Academy ay sumasaklaw sa napakalawak na hanay ng mga paksa mula sa mga pangunahing kaalaman ng trading hanggang sa mga advanced na estratehiya sa trading.
Mga online na kurso sa trading
Ang isa pang paraan para magkaroon ng magandang edukasyon sa CFD ay sa pamamagitan ng mga online na seminar o kurso. May iba’t-ibang online na kurso na available sa Internet, mula sa mga baguhan hanggang advanced na antas. Sinasaklaw nila ang mga paksa tulad ng mga pamamaraan sa trading, pag-aanalisa ng pamilihan, toleransiya sa panganib, at marami pang iba.
Mamuhunan sa inyong edukasyon sa trading kasama ang IronFX
Maraming mga trader na hindi naaabot ang kanilang potensyal dahil nagsisimula silang mag-trade bago mamuhunan sa magandang edukasyon sa trading. Kung balak ninyong magsimulang mag-trade ng mga CFD o gusto ninyong palawakin ang inyong mga kakayahan sa trading, mag-sign up sa isang nangungunang broker tulad ng IronFX at magparehistro sa IronFX Academy upang maakses ang isang malawak na hanay ng mga mapagkukunang pang-edukasyon.
Tandaan lamang na ang pamumuhunan sa magandang edukasyon ay magiging sulit sa katagalan, anuman ang inyong antas ng karanasan.
PAGTATATUWA: Ang impormasyong ito ay hindi itinuturing na payo sa pamumuhunan o isang rekomendasyon sa pamumuhunan, at sa halip ay komunikasyon sa marketing