Ang Pamilihan ng Forex

Table of contents

Ang pamilihan ng forex ay ang pandaigdigang pamilihang pinansyal para sa pagpapalit ng mga dayuhang salapi at ang pinakakaraniwang tine-trade na pamilihan sa buong mundo na may pang-araw-araw na bulumen ng trading na $6.6 trilyon. Kabilang ang mga banko, komersyal na kompanya, bangko sentral, kompanya ng pamamahala ng pamumuhunan, hedge fund, tingiang broker ng forex at mamumuhunan.

Magbasa para malaman ang lahat tungkol sa pamilihan ng forex at kung paano mag-trade ng forex.

Mga oras ng trading ng forex

Ang pamilihan ng forex ay isang 24 na oras na pamilihan na bukas limang araw sa isang linggo mula Lunes hanggang Biyernes. Ang pamilihan ng forex ay pinatatakbo ng isang pandaigdigang network ng mga bangko na nakakalat sa apat na sentro ng trading ng forex sa iba’t-ibang time zone: London, New York, Sydney at Tokyo.

Nagsisimula ang trading ng forex sa pagbukas ng pamilihan sa Australia, kasunod ng Asya, at pagkatapos Europa, kasunod ng pamilihan ng US hanggang sa magsara ang mga pamilihan sa katapusan ng linggo.

Sa tag-init, nagsisimula ang trading sa Linggo sa 9:00pm GMT at nagtatapos sa 9:00pm GMT sa Biyernes. Sa taglamig, nagsisimula ang trading sa Linggo sa 10:00pm at nagtatapos sa 10:00pm sa Biyernes. Nangangahulugan ito na tine-trade ang mga salapi sa lahat ng oras, araw man o gabi. Hindi tulad ng ibang mga pamilihan, sa pamilihan ng forex, palaging may mga bumibili at tagapagbili.

Tine-trade ang forex bilang mga pares ng salapi

Palaging tine-trade ang forex bilang mga pares ng salapi dahil ang trading ng forex ay ang pagbili ng isang salapi at pagbebenta ng isa pa nang sabay. May maraming salapi na maaari ninyong i-trade, ngunit ang mga bagong trader ng forex ay malamang na magsisimulang mag-trade ng mga pangunahing salapi, na kilala rin bilang mga major. Ang US dollar (USD) ay kaakibat sa karamihan ng trading ng forex.

Ang euro (EUR) ay ang pangalawang pinakasikat na salapi. Kabilang sa mga major ang Japanese yen (JPY), British pound (GBP), Australian dollar (AUD), Canadian dollar (CAD), Swiss franc (CHF) at New Zealand dollar (NZD). Ang mga pinakamadalas na tine-trade na salapi ay ang mga major at kumakatawan sa ilan sa mga pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.

Binubuo ng mga pangunahing pares ng salapi sa ibaba ang halos 75% ng trading sa pamilihan ng forex:

  • EUR/USD
  • USD/JPY
  • GBP/USD
  • AUD/USD
  • USD/CAD
  • USD/CHF
  • NZD/USD

Pagbili at pagbebenta ng mga pares ng salapi

Tine-trade ang mga salapi bilang mga pares sa pamamagitan ng isang broker ng forex o provider ng CFD. Kino-quote ang mga salapi kaugnay sa ibang salapi, halimbawa, ang euro at US dollar (EUR/USD). Kaakibat sa trading sa pamilihan ng forex ang pagbili o pagbebenta bilang mga pares ng salapi. Kinakatawan ng isang halaga ng palitan ang halaga kung saan papalitan ang isang salapi ng ibang salapi, at nagiiba-iba ito batay sa kung aling salapi ang mas malakas sa panahong iyon.

May tatlong kategorya ng mga pares ng salapi: ang major, cross at exotic. Palaging kabilang sa mga major ang US dollar, at ang mga pares na ito ay ang pinaka liquid sa buong mundo. Inilalarawan ng liquidity ang antas ng aktibidad sa pamilihang pinansyal at nakabatay ito sa bilang ng mga aktibong trader na bumibili at nagbebenta ng isang espesipikong pares ng salapi at ang bulumeng tine-trade. Halimbawa, mas maraming tao ang nagte-trade ng pares ng salapi na EUR/USD sa mas matataas na bulumen kaysa sa pares ng salapi na AUD/USD. Ipinahihiwatig nito na ang EUR/USD ay mas liquid kaysa sa AUD/USD.

Hindi kabilang sa mga pares ng cross-currency ang US dollar, at ang mga iyon na kaakibat ang alinman sa mga pangunahing salapi ay kilala rin bilang mga minor. Ang pinakaaktibong tine-trade na cross-currency na pares ay nanggagaling sa tatlong pangunahing salapi na hindi USD: EUR, JPY, at GBP .

Kabilang sa mga exotic na pares ng salapi ang isang pangunahing salapi at isang salapi mula sa isang umuusbong na pamilihan (EM). Dahil ang mga pares na ito ay hindi kasindalas na tine-trade gaya ng mga major o cross, ang mga gastos sa transaksiyon na nauugnay sa pagte-trade ng mga pares na ito ay kadalasang mas mataas.

Ang pamilihang interbank

Ang karamihan sa trading ng forex ay ginaganap sa pamilihang interbank Ito ay isang pandaigdigang network kung saan direktang nagte-trade ng mga salapi at ibang mga derivative ng salapi ang mga institusyong pinansyal sa isa’t-isa. Walang pisikal na lokasyon o isang sentral na palitan ang pamilihan ng forex tulad ng ibang pamilihang pinansyal tulad ng New York Stock Exchange (NYSE) o London Stock Exchange (LSE). Kung tutuusin, nakakalat sa buong daigdig ang pamilihan ng forex at wala itong sentral na lokasyon, kaya maaaring ganapin ang mga trade kahit saan basta’t kayo ay may koneksiyon sa Internet.

Ano ang nakakaimpluwensiya sa pamilihan ng forex?

Ang karamihan sa trading ng salapi ay nakabatay sa espekulasyonna nangangahulugan na ang mga trader ay bumibili at nagbebenta batay sa panandaliang galaw ng presyo ng mga pares ng salapi. Sa mga pamilihan ng forex, nagbabakasakali ang mga tingiang trader kapag sinusubukan nilang kumita kapag tumaas o bumaba ang halaga ng isang salapi laban sa ibang salapi.

Ano ang nakakaimpluwensiya sa pamilihan ng forex?

Ang presyo ng mga salapi ay itinatakda ng supply at demand ng mga tagapagbili at bumibili, ngunit may ibang mga puwersang macro sa pamilihang ito. Ang demand para sa mga espesipikong salapi ay maaari ring maimpluwensiyahan ng mga antas ng interes, patakaran ng bangko sentral, antas ng paglago ng ekonomiya at pampolitikang kapaligiran ng isang bansa.

Dahil bukas ang pamilihan ng forex nang 24 na oras sa isang araw, limang araw sa isang linggo, binibigyan nito ang mga trader ng pagkakataong mag-react sa mga balita na maaaring hindi maapektuhan ang pamilihang sapi hanggang sa kalaunan. Ayon sa nabanggit na, nakatuon ang trading ng salapi sa espekulasyon o hedging, kaya mahalaga para sa mga trader na magkaroon ng kaalaman tungkol sa dinamika na maaaring magdulot ng matitinding pagbabago sa mga salapi.

Mag-trade ng forex kasama ang IronFX

Hindi ganoon kasimpleng pumili ng pinakamahusay na broker ng forex para magbukas ng isang trading account dahil may napakaraming broker na available sa online. Kung gusto ning mag-trade ng forex kasama ang isang broker na kilala sa buong mundo, bakit hindi kayo magsaliksik sa IronFX at subukan ang kanilang trading platform sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang demo account. Sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Magbukas ng demo account.
  2. Manaliksik tungkol sa trading.
  3. Tingnan ang edukasyon sa forex at basahin ang mga pinakabagong balitang pinansyal.
  4. Magparehistro at subukan ang inyong mga kakayahan sa trading.

PAGTATATUWA: Ang impormasyong ito ay hindi itinuturing na payo sa pamumuhunan o isang rekomendasyon sa pamumuhunan, at sa halip ay komunikasyon sa marketing

Table of contents